Thursday, December 1, 2011

Pag unawa sa Access Security

Para i-enable ang database, gawin ang mga sumusunod

1). i-click ang Options button na makikita sa Microsoft Office Security Options dialog box.
2). i-click ang Enable this content sa Security Alert Window.
3). i-click ang OK button. Pagkatapos nito, ang Access ay pinahihintulutan ang gumagawa na gamitin ang laman na codes ng isang database.
Dahil sa Northwind database ang ginagamit natin, lalabas ang Login dialog box na ipinapakita sa baba



4) i-click ang Login. At magbubukas ang Northwind database.



May paraan na ang Database ay pwedeng ilagay sa trusted locations. Kaya kung alam ng gumagawa na walang masamang code sa loob ng isang database ay pwede itong ilagay sa trusted locations at pag binuksan ulit ang database na iyon ay di na mangangailangan na i-enable pa ang security sa pangalawang pagbukas dito.

Para makagawa ng trusted location, sundan sa baba:

1). i-click ang Microsoft Office button, at ang mga menu ay ipapakita sa gumagawa.
2). i-click ang Access Options sa may parteng baba sa kanan. Pag ginawa ito ang Access options pane ay makikita.
3). i-click ang Trust Center.
4). i-clcik ang Trust Center Settings.
5). i-click ang Trusted Locations.
6). i-click ang Add New Locations. Ang Microsoft Office Trusted Location dialog box ay magbubukas.
7). Ilagay ang location sa gusto mong paglagyan ng trusted file sa iyong computer, o kaya i-click ang browse para hanapin ang folder na paglalagyan.
8). Pwedeng ilagay sa sub-folder ang trusted files, kaya kung gustong ilagay dun, piliin ito sa browser.
9). i-click ang OK button, dahil dito ang lokasyon ng file na pinaglagyan ay magiging Trusted Location na.
10).i-click ang OK button ulit.
11).i-click ang OK button ulit, pagkatapos nito ang Trusted Location sa iyong computer ay matagumpay nang nagawa.


Ang Navigation Pane

Ang mga larawan na ginamit dito sa mga pagtuturo ay pinagsama sama para mas mabilis maintindihan ng mga nagbabasa at nag aaral sa Access. Dito ay ipapakita kung paano i-setup ang iyong Access window para magtugma dito sa larawan. Kung hindi ka pa naka log sa Northwind, i-click ang Login Button para makapasok sa Northwind Database.

Ang Microsoft Access database ay may iba't ibang uri ng bagay na makikita sa loob nito, at ang mga ito ay ipinagsasama sama para tumakbo ang sistema ng Access database. Ito ay ang mga sumusunod.
- Tables
- Queries
- Forms
- Reports
- Macros
- Modules

Ang mga ito ay makikita sa may Navigation Pane sa loob ng database window.


Para makita ang laman ng Navigation Pane sundan ang mga ito:

 Pakanan
 Pakaliwa

- i-click ang button na may dalawang arrow na pakanan >> na makikita sa larawan sa baba, ito ay magbubukas. Pag na click ito, magbabago ang direksyon nito at magiging dalawang arrow na pakaliwa <<. - i-click ang button na may dalawang arrow na pakaliwa << na makikita sa lawaran sa baba, ito ay magsasarado. Pag na click ito, magbabago ang direksyon nito at magiging dalawang arrow na pakanan >>.




Sa larawang ito, ang mga tables, queries... na nakikita sa Navigation pane ay naka organize by type. Pwede itong i organize sa database. Gamitin lang ang pababang-arrow sa parteng taas ng navigation pane para palitan ang paraan ng pagkaka organisa ng mga ito.

Para i-organize ang mga tables, queries... etc (by type):

1). i-click ang "All Access Objects" button na makikita sa may Navigation Pane. Ang isang menu ay lalabas pagkatapos nito.
2). i-click ang "Object Type". Ipapakita ng Access ang mga tables, queries, etc... sa pagkakasunod sunod nila.

Ang mga Access Objects:

Para itago o ipakita ang mga ito sa Navigation Pane, gawin ang mga sumusunod.

 Pababa na arrow
 Pataas na arrow 


- i-click ang dalawang pababang arrow para makita ang mga objects. Ang dalawang pababang arrow ay magiging dalawang pataas na arrow.
- i-click ang dalawang pataas na arrow para itago ang mga objects. Ang dalawang pataas na arrow ay magiging dalawang pababang arrow.


Ang mga Access objects ay makikita sa loob ng Microsoft Access na maliliit na Icons. Ang mga paliwanag ng bawat isa sa mga ito ay makikita sa may baba:
_________________________________________________________________________________

Tables - Ang table ay ang isang object ng MS Access na kung saan dito napupunta ang mga data.  Kunyari sa paggawa ng Student Info database, lahat ng impormasyon ng isang estudyante ay makikita dito.  Ito ang pinaglalagyan ng mga data ng database. Meron itong mga rows at column na makikita pag binuksan ito at ang kada isang column ay tinatawag na field. Ang kada isang laman ng field ay isang uri ng data (halimbawa: pangalan). Ang kada row naman ng table ay tinatawag na isang record (halimbawa: sa isang Record, ito ay ang kompletong laman ng data, gaya ng pangalan, edad, tirahan, at iba pa). Ang Tables ay kailangang i-disenyo batay sa database na ginagawa sa loob ng MS Access.

__________________________________________________________________________________
Queries - Ang queries naman ay ginagamit upang makuha ang mga hinahanap sa loob ng database. Ito ang ginagamit para i-filter ang isa o grupo ng mga data na hinahanap sa database. Halimbawa pwedeng gamitin ang Query para hanapin ang pangalan ng mga estudyante na may pangalang "Juan" o kaya hanapin ang mga estudyante na may may pangalang ng "Andres" o alinmang pagkaka kilanlan sa estudyante gaya ng kanilang tirahan. Ang Queries ay pwedeng i-disenyo o kaya gamitin ang wizard sa loob ng MS Access.

 


__________________________________________________________________________________
Forms - Ang Forms naman ang ginagamit sa MS Access program para magawa ng isang nag di-disenyo ng database na ayusin ang mga fields base sa laman ng mga ito. Pwedeng gamitin ang form para sa mga gumagamit ng database upang ma kontrol ang paraan nila ng pag gamit dito, kunwari gusto ng nag di-disenyo ng database na ang isang user ay pwedeng mag view lang ng data, ang isa naman ay pwedeng makapag edti ng data, o kaya ang isa naman ay mag enter lang ng data.  Ito ang pinaka window na makikita ng isang user habang sya ay nasa loob ng database. Ang Forms ay pwedeng i-disenyo o kaya gamitin ang naka install na form wizard sa loob ng MS Access.

 


__________________________________________________________________________________
Reports - Ang Reports naman ay ginagamit sa program para ayusin kung pano ipapakita sa nagbabasa ang mga data. Ito ay ginagamit para i-organisa o kaya ay pagsama samahin ang mga data para ito ay mai-print o maipakita sa gumagamit ng database sa kanyang monitor.  Pwedeng gamitin ang Reports kung gustong ipakita ang mga data sa iba na pwedeng i-email sa kanila ang resulta. Ang Reports ay pwedeng i-disenyo o kaya gamitin ang naka install na Reports wizard sa loob ng MS Access.

 


__________________________________________________________________________________
Macros - Ang Macros ay ginagamit sa MS Access program para makagawa ng automated na aksyon. Ang automated na aksyon ay ang paraan ng pag disenyo ng program para gumalaw ang sistema ng database na hindi na kailangan pang ulit ulitin ang procedure ng program. Ang Macro ay nagagawa sa pag pili sa listahan ng mga nagawang macro sa MS Access. Pwedeng gamitin ang Macro upang magdagdag ng ibat iba pang functions sa forms, report, o buttons.

 

__________________________________________________________________________________
Modules - Kagaya ng Macro, ang Modules ay ginagamit din upang makagawa ng automated na aksyon at magdagdag ng functions sa mga forms, report o buttons.  Ang Macro ay nagagawa sa pag pili sa listahan ng mga nagawang macro sa MS Access, samantalang ang Modules ay ginagawa sa pag gamit ng Visual Basic Programming para sa MS Access.



Kailangan i left double-clik sa mouse ang isang object para mabuksan ito. O kailangang i-right click sa mouse ang isang object para makita ang ibang menu options ng mga ito.  Pwede ring gamitin ang Main menu sa taas para gawin ang mga it na pwedeng mag bukas ng isang object, palitan ang pangalan ng isang object, o kaya i-delete ang isang object. Ang mga bukas na mga objects ay makikita sa may Tabs, pwedeng i right-click sa mouse ang tab para makita ang mga options sa menu na pwedeng gamitin gaya ng pag save ng object, isarado ang object, o kaya palitan ang view nito.

Pagpalit ng views ng mga Objects:



Ang pag view ay ang paraan para makita ang object. Halimbawa, sa MS Access ang mga data ay naitatago sa mga Tables. Dalawa ang pwedeng gamiting paraan para mai-view ang table, ito ay Datasheet (o parang Excell format sya na makikita ang laman ng mga data) o kaya ay Design View (kung saan makikita ang mga options sa kada field ng table, kunwari gusto sa isang field na ang tatanggapin lang ay date and time, so ang field na yun ay dapat i-set sa DATE/TIME format).  Pag binuksan ang isang object, may mga buttons na makikita sa may bandang baba sa kanan ng MS Access.  Pwedeng gamitin ang View Button sa Home Tab para palitan ang views, o kaya pwede ring i-click ang tamang button sa may kanang-baba ng MS Access window.

Ang Micfosoft Access Button

 


Sa may bandang kaliwang taas ng MS Access screen ay makikita ang Microsoft Office button. Kung ito ay iki-click ang mga menus ng MS Access ay makikita dito. Pwedeng gamitin ang menu para gumawa ng bagong database file, o kay buksan ang dati nang nagawang database file, o kaya i-save ang file, at iba pang mga gamit nito.

Ang Title Bar



Ang Title Bar ay makikita sa pinaka taas na gitna ng MS Access window. Dito makikita ang pangalan ng database na kasalukuyang ginagamit.

Ang Quick Access Toolbar


Sa may bandang kanan lang ng MS Access button ay makikita ang Quick Access toolbar.  Dito makikita ang mga commands na kalimitang ginagamit sa database. Sa default ang laging makikita dito ay ang Save, Undo, Redo.  Ang Save ay para i save ang Object, Undo para wag i-apply ang bagong aksyon at bumalik sa nakaraang aksyon, at ang Redo ay para i-apply ulit ang aksyon na kasalukuyang ginawa sa undo.

Ang Access Ribbon

picture dito

Gumagamit tayo ng commands (aksyon na kailangan sa pagtakbo ng sistema ng database) para sabihan ang MS Access kung ano ang nararapat gawin nito na sistema bilang database.  Sa MS Access 2007, ginagamit ang Ribbon para gumawa ng mga commands.  Ang MS Access Ribbon ay makikita sa may bandang taas ng Access window, sa may baba ng Quick Access Toolbar.  Sa taas ng Ribbon ay makikita ang ibat ibang Tabs, kung i-click ang tab ipapakita nito ang mga iba pang commands na kasama ng mga groups. Sa bawat isang group ay may kanya kanyang comman buttons.  Pwedeng i-click ang buttons para sa ibat ibang commands na nakalaan dito o kaya para i-access ang mga menus at mga dialog boxes.  Makakakita rin dito ng Dialog box launcher |__________picture dito____  sa may bandang babang kanan ng group.  Kung i-click itong dialog box launcher |_______picture dito__________|, ay magkakaroon ng karagdagang commands sa dialog box.

* Paano isarado o mag exit sa MS Access

No comments:

Post a Comment