Itong pagtuturo ay para sa mga estudyante o mga guro na gustong matuto ng basics ng Microsoft Access. Ang tatalakayin natin dito ay gamit ang Microsoft Access 2007. Sundan lang sa baba ang mga links para sa pagkakasunod sunod ng mga pag-aaralan natin.
Pagtuturo 1: Alamin ang mga nilalaman ng Microsoft Access 2007.
Ang Microsoft Access ay isang uri ng software na gawa ng Microsoft Corporation at isang uri ng windows na ang pinaka gamit ay database. Ang database ay isang computer software o program na organisado na kung saan pwedeng itago ang rekord o impormasyon sa pamamagitan ng mga data. Ang mga data ay mga importanteng impormasyon ng isang bagay, tao, lugar, at iba iba pa. Kunyari pwede kang gumawa ng database para sa mga estudyante na kung saan ang mga mga data ay an mga sumusunod:
- Pangalan
- ID number
- Tirahan
- Guro,
- at iba pang pagkakakilanlan
Pagkatapos natin gawin ang database at nailagay na ang mga data sa program, pwede mong makuha ulit o hanapin ang mga impormasyon ng mga estudyante sa pamamagitan ng pag hanap lamang gamit ang ID number. Lahat ng impormasyon ng isang estudyante ay pwedeng ipakita ng database pagkatapos hanapin ang ID number nito. Dito sa unang pagtuturo, pag aaralan natin ang Microsoft Access window at tuturuan ko kayong gumawa ng database.
Bisitahin lang po palagi itong website ko para sa mga bagong posts sa pag aaral ng MS Access. Salamat po.