Matuto ng Sketchup

Ang Google Sketchup ay isa sa mga softwares na pwedeng gamitin at libre na mada-download sa google.com (http://sketchup.google.com/intl/en/download/index.html ).  Para sa mga gustong matutong gumawa ng drawing na 3D na walang alam sa mga pang arkitektong software tulad ng Autocad o iba pang software na ginagamit para maka gawa ng 3D Drawing, ito ang maaari nyong gamitin para makapag umpisa ng inyong proyekto.

Para may ideya kayo kung ano ang pwedeng magawa sa sketchup, nag lagay ako dito sa baba ng larawan ng aking mga nagawang 3D na bahay at gusali para maipakita sa inyo kung ano ang mga pwedeng i-drawing sa sketchup.  Ang mga ito ay nilagyan ko ng shadows para mabuhay ang mga larawan nito.


Sa bandang huli ng inyong pag-aaral ay matututunan nyo rin kung paanong gumawa o mag disenyo ng isang tulad nito.  Hindi ito kahirapan sapagkat mabilis lang matuto sa sketchup lalo na kung tututukan ninyo itong pag-aaral na ginagawa ko. 




Ito ang halimbawa ng ginawa kong bahay.


Ito naman ang halimbawa ng ginawa kong building.


Para makatanggap ng mga updates sa talakayan dito sa website, Kung maari po ay paki like itong website at mag subscribe gamit ang iyong email address, Lahat ng mga updates ay maipapadala sa inyong inbox at galing dun ay magkakaroon kayo ng link para sa mga karagdagang talakayan.  Itong pag-aaral sa tagalog ay ibinabahagi ko ng libre kaya paki share na lang po ng aking website sa iba para naman matuto rin sila.

Unang Pagtuturo: Ang Sketchup Window at ang mga menu nito.

     > Alamin ang Main menu ng Sketchup
     > Ang Sketchup Toolbar (Getting Started)
    
     Video:  Pagtuturo ng Sketchup
     > Ano ang Template (video)








Lagi lang pong mag sadya dito sa website na to para sa mga bago kong posts. Salamat po.