Saturday, November 26, 2011

Ang Microsoft Access 2007 Window

Ang Microsoft Access Window

Para mabuksan ang Microsoft Access window, kinakailangan na buksan ito sa pamamagitan ng Microsoft Office na naka install sa iyong computer.  Sundan sa baba ang paraan ng pag bukas ng Microsoft Access 2007 sa iyong computer.

  1. Pindutin ang Start gamit ang iyong mouse
  2. Piliin ang All Programs
  3. Piliin ang Microsoft Office
  4. At sa loob ng Microsoft Office ay makikita ang Micorosoft Access 2007.  Pindutin ito gamit ang mouse at magbubukas na ang Microsoft Access 2007.

Ito na ngayon ang window ng Microsoft Access 2007.

Sa Microsoft Access ay makikita dito ang Template Category, or online templates na pwedeng i-download sa Microsoft website, o kaya pwedeng gumawa ng sariling disenyo na database gamit ang Blank Database icon na makikita rin sa window ng Microsoft Access.


Dito sa window na ito ipinapakita ang mga pwedeng gamitin na mga templates. 
1). Ang template ay isang database na ginawa na ng mga experto batay sa disenyo ng database,
2). Kung gustong gumawa ng bagong database at gustong sariling disenyo ang gagawin, pwede itong magawa sa pamamagitan ng pag gamit ng Blank database at sariling pagdi-disenyo.
3). O kaya kunyari gustong gumawa ng database para sa Assets, pwedeng gamitin ang Assets na makikita sa window sa taas, o kaya Contacts database, at marami pang iba na pwedeng i-download galing sa Microsoft website.

Para maipakita sa mga magbabasa ang mga detalye ng isang database, bubuksan natin ang isang template na ang pangalan ay Northwind.accdb kasi ang pinaka menu bars at toolbars ay hindi maipapakita sa window hanggat hindi nagbubukas ng isang database o kung kinakailangan ay gumawa ng bagong database.


No comments:

Post a Comment