Sunday, November 27, 2011

Ang Sketchup Toolbar (Getting Started)

Ang Google Sketchup toolbar ang pinaka importante na nakikita sa loob ng drawing area kasi dito kukunin ang mga tools na gagamitin para makabuo ng isang drawing object.  Nagsisimula ang drawing sa guhit at paglalagay ng hugis at paglalagay ng kulay upang mabuhay ang ginagawang drawing.  Ang mga sanay nang gumamit ng sketchup ay kalimitang gumagamit na lang ng keyboard shortcuts.  Ang keyboard shortcuts ay katumbas din ng pag pindot ng mga kakailanganing tools sa toolbar, bawat isang tool (kunwari: Line tool) ay may kanya kanyang shortcut na maaaring i-personalize gamit ang kumbinasyon ng Ctrl “Control key” at ng isa pang letra sa keyboard.  Sa ating halimbawa, ang Line tool ay pwedeng buksan gamit ang keyboard shortcut na Ctrl+L. 


Importanteng malaman ng halos lahat ng shortcuts sa keyboard para sa mas mabilis na pagbuo ng ginagawang drawing.  Ito ay makakasanayan ding gamitin sa kalaunan at base sa aking patuloy na pag gamit nito ay napapadali ko ang pag ayos ng pag-drawing sa sketchup. Ang bawat isa sa mga tools na ito ay may modifier keys na tinatawag din, ito ay ang pag gamit ng Ctrl “Control key” at Shift key o mga kombinasyon ng mga ito para sa karagdagang aksyon ng mga tool na ito. Nandito sa baba ang Getting Started Toolbar at ang mga paliwanag sa bawat isa.



1)      Select Tool – ito ay ginagamit para pang pili ng mga linya o kaya area ng isang drawing object o ang kabuuan ng drawing object.
            (Modifier Keys): 
Ctrl = habang gamit ang Select tool at pipindutin ang Crtl key sa keyboard, at naka select na ng isang object sa drawing, pwedeng mag dagdag pa ng isi-select na drawing object.  
Shift + Ctrl = habang gamit ang Select tool at pipindutin ang Crtl at Shift key sa keyboard, at naka select na ng isang object sa drawing, pwedeng bawasan ang naka-select na drawing object. 
Shift =  habang gamit ang Select tool at pipindutin ang Shift key sa keyboard, at naka select na ng isang object sa drawing, pwedeng mag bawas ng na-select na sa drawing object o magdagdag pa.
Ctrl + A = habang gamit ang Select tool at pipindutin ng sabay ang Ctrl at A key sa keyboard, ay isi-select nito ang kabuuan ng drawing object o ang pangkalahatan nito.

2)      Line Toolito ay ginagamit para maglikha ng tuwid na guhit.  Maaring mag guhit ng walang sukat-sukat pa pero mas mainam na gumamit ng dimensions. Sa pamamagitan ng dimensions textbox na makikita sa may bandang baba ng drawing area, pwedeng mag lagay ng gustong haba ng linya sa pamamagitan lang ng pag pindot sa keyboard ng sukat na nais at ang Enter key.  Kunwari gustong mag guhit ng 3 meters, maglagay muna ng paunang point sa drawing area tapos pindutin lang ang 3 sa keyboard at pindutin ang Enter key at mabubuo na ang 3 meters na guhit.
(Modifier Keys):
            Shift =  habang gamit ang Line tool at pipindutin ang Shift key sa keyboard, ila-lock nito ang
            linya na ginuguhit sa nakatalagang axis o direksyon.
            Up, Down, Left, Righ arrow keys = habang gamit ang Line tool at pipindutin ang alin man sa
            mga arrow keys sa keyboard, ay ila-lock nito ang linya base sa napiling arrow, kung pataas ay
            sa Z axes. At iba pa.
 
3)      Rectangle Tool – ito ay ginagamit para gumuhit ng isang parisukat (square) o parihaba (rectangle) sa drawing area.  Pwedeng gamitin din ang dimension para makabuo ng gustong sukat ng magkabilang sulok sa pamamagitan ng pag lalagay lamang ng dalawang value (3,3) at pindutin ang Enter key.
     (Modifier Keys):
     Shift =  habang gamit ang Rectangle tool at pipindutin ang Shift key sa keyboard, ila-lock nito
     ang rectangle sa kasalukuyang direksyon ng axes.

4)      Circle Tool – ito ay ginagamit para gumuhit ng isang bilog (circle) sa drawing area.  Pwedeng gamitin din ang measurements para magalgay ng radius na sukat ng bilog.
(Modifier Keys):
      Shift =  habang gamit ang Circle tool at kukuha ng reference point sa isang drawing object at
      pipindutin muna ang Shift key sa keyboard, ila-lock nito ang gitna ng bilog sa reference point
      habang gumagalaw sa axes.

5)      Arc Tool – ito ay ginagamit para gumuhit ng isang arko sa drawing area.  Pwedeng gamitin din ang measurements para magalgay ng haba (length) ng linya at ng pagkakalundo (buldge) ng iginuguhit na arko.
(Modifier Keys):  Wala.

6)      Sa advance tutorial itatalakay.

7)      Eraser Tool – ito ay ginagamit para burahin ang mga guhit sa isang drawing object.  Pagka kunwari sa isang cicle object o bilog na drawing, pag ginamit ang eraser tool at binura ang pinaka guhit ng bilog ay mabubura rin ang kabuuan ng bilog, ganun din ang parisukat.
(Modifier Keys):  
Shift = habang gamit ang Eraser tool at pipindutin ang Shift key sa keyboard, pwedeng burahin lang ang pinaka guhit ng bilog na hindi mabubura ang kalahatan ng bilog.
Ctrl = habang gamit ang Eraser tool at pipindutin ang Crtl key sa keyboard, ay upang pinuhin nito ang mga linya sa drawing object.
Shift + Ctrl = habang gamit ang Eraser tool at pipindutin ang Crtl at Shift key sa keyboard, ay upang tanggalin ang pagiging pino ng guhit ng isang drawing object o linya ng mga ito.

8)      Tape Measure Tool – ito ay ginagamit upang magbigay ng guide o susundan na linya o distansya o magsukat ng linya sa loob sa isang drawing object.
(Modifier Keys):  
Shift = habang gamit ang Eraser tool at pipindutin ang Shift key sa keyboard, pwedeng burahin lang ang pinaka guhit ng bilog na hindi mabubura ang kalahatan ng bilog.
Shift + Ctrl = habang gamit ang Eraser tool at pipindutin ang Crtl at Shift key sa keyboard, ay papipinuhin nito ang guhit ng isang drawing object o linya ng mga ito.

No comments:

Post a Comment