Saturday, November 26, 2011

Sketchup window

Itong pagtuturo sa Google Sketchup ay ginawa ko para sa mga estudyante o mga guro o mga indibidwal na gustong matuto ng 3D drawing gamit ang isang program o software na maaaring gamitin na simple na at madaling gamitin para sa mga nag uumpisa pa lang mag disenyo.  Kung ikaw ay wala pang alam sa pag gamit ng Autocad o anumang softwares na gamit pag disenyo ng 3D drawings, wag kang mag alala kasi ang Google Sketchup ay madali lang gamitin gaya nga ng sabi ko sa taas.  Ang Google sketchup ay pwedeng ma download na libre sa Google pwede mong piliin ang pinaka bago nilang update na software, ito ang pinaka link.

Sa mga susunod na salita, pag binagit dito ang Sketchup ang ibig sabihin ay Google Sketchup.


Umpisahan natin sa pagkilala sa Sketchup window.


Ito ang Sketchup window na makikita sa taas. Naka detalye sa baba ang mga gamit ng mga sumusunod na numero sa screen.
  1. Ito ang pinaka Main Menu kung saan ma bubuksan ang mga menu gaya ng File, Edit, View, Camera, Draw, Tools, Window, at help.  Ipapaliwanag natin ito sa baba mamaya.
  2. Ito ang pinaka toolbar kung saan dito naka lagay ang mga gagamitin sa pag buo ng guhit at ng kabuoan ng drawing.
  3. Sa loob ng ating drawing area ay makikita itong kulay itim na line na naka tayo, ito ang “Z” axis.
  4. Sa loob ng ating drawing area ay makikita itong kulay berde na line na naka higa, ito ang “Y” axis.
  5. Sa loob ng ating drawing area ay makikita itong kulay pula na line na naka higa, ito naman ang “X” axis.
  6. Ito yung Mesurements box. Ginagamit ito sa pag lagay ng iksaktong sukat ng iyong shape o guhit sa iyong drawing.  Kunyari gusto mong gumawa ng Parisukat (square), pwede mong ilagay dito ang sukat na (3meters x 3meters) sa pamamagitan ng pag enter sa keyboard ng 3,3 at pinduting ang Enter pagkatapos. (Ipapakita ko ito sa mga video tutorials nito).
  7. Ito ang pinaka drawing area natin, mapapansin nyo na kulay puti ang background na ginamit ko, ito ay sa pamamagitan ng pagpili ng template sa loob ng system preferences.  Ipapaliwanag ko mamaya ang mga detalye na ito sa baba.

    No comments:

    Post a Comment