Pag aralan natin ang Main Menu:
File Menu
Ito ang pinaka File Menu, sundan sa baba ang mga paliwanag.
1) New – gamitin ito para gumawa ng bagong sketchup file or drawing.
2) Open – gamitin ito para buksan ang dating nagawa nang sketchup drawing file.
3) Save – gamitin ito para I save ang kasalukuyang ginagawang sketchup drawing file.
4) Save as – pareho ng Save gamitin ito para I save ang ginagawang sketchup drawing file pero may paraan ka para piliin ang sketchup version na gusto mong isave, gaya ng version 3,4,5,6,7 o kaya 8.
5) Save as Template – gamitin ito para i-save ang sketchup drawing file para maging template, itong template ay pwede mong gamitin sa mga susunod mong drawing para di mo na kailangan mag palit isa isa ng disenyo mo.
6) 3D Warehouse – ito ay para maka download ka ng mga gawa nang models galing sa internet. Ang iba kasi pag nakagawa ng isang modelo o drawing, ay ina-upload nila sa internet para naman ma ibahagi nila ang kanilang drawing template sa ibang gustong gamitin ito. Halimbawa gusto mong gumawa ng drawing na upuan, para di ka na mahirapan mag download ka na lang ng model sa internet.
7) Export – gamitin ito para i-export sa 3D o kaya 2D model ang ginawa mong drawing.
8) Import – gamitin ito para ilagay sa iyong drawing ang na-download mong model galing sa internet, o kaya ang dati mo nang nagawang model pwede mong i-import dito.
9) Print Setup – gamitin ito para palitan o ayusin ang margins ng pagkakadisenyo ng dokumento ng drawing mo bago mo I print ang mga ito.
10) Print Preview – ginagamit ito para makita muna ang nilalaman ng drawing area mo bago mo I print.
11) Print – ginagamit ito para I print ang nagawa mong drawing.
12) Exit – para isarado ang software.
Edit Menu
Ipinapakita sa taas ang Edit menu, ito ay gagamitin natin para mabago natin ang nais baguhin sa drawing. Makikita rin sa may bandang kanan ang mga shortcut keys (hal. Ctrl+Z) para di mo na kailangan i-click pa ang mga ito.
1). Undo – ito ay ginagamit para huwag i-apply ang pagbabagong ginawa sa drawing mo, kunyari nag lagay ka ng isang guhit, para alisin uli ang kalalagay lang na guhit pindutin itong Undo, o kaya sabay pindutin ang Ctrl at Z sa keyboard.
2). Redo – gamitin ito para i-apply ang pagbabago sa drawing kung kasalukuyan at kagagamit lang ng Undo button.
3). Cut – gamitin ito para i-copy sa clipboard at i-cut ang isang object ( ang mga objects ay pwedeng – guhit, linya, o ano pang bagay sa loob ng drawing area). Ang clipboard ay ang memory sa iyong computer na humahawak pansamantala ng digital data, iba’t iba ang digital data, pwede impormasyon o kaya jpeg, o ano pa mang pwedeng ilagay sa clipboard ng computer.
4). Copy – gamitin ito para i-copy lang sa clipboard ang isang object.
5). Paste – gamitin ito para i-paste and na copy mo na object na nasa clipboard.
6). Paste in place – gamitin ito para i-paste ang object sa parehong lugar ng pinag kuhanan mo.
7). Delete – gamitin ito para burahin ang isang object.
8). Delete Guides – ito ay para burahin ang mga nagamit na guides sa drawing mo.
9). Select All – gamitin ito para i-highlight o i-select lahat na parte ng drawing objects mo.
10). Select None – ito kabaliktaran ng Select All, aalisin nito ang pag kaka select ng mga objects o parte ng mga objects sa dwaring mo.
11). Hide – ginagamit ito para itago ang isang object.
12). Unhide – ginagamit ito para ipakita ang nakatagong object, mayroong pagpipilian dito na pwede mong i-unhide ang lahat na naka hide na objects.
Ito lang ang basics sa Edit menu, pag-aaralan natin ang natitirang Edit menu sa ibang talakayan.
View Menu
Ito ang View Menu, makikita natin ditto ang mga pagpipilian para sa mga bagay na pwede mong gamitin sa loob ng drawing area ng sketchup.
1). Toolbars – dito makikita ang mga lista ng toolbars na pwede mong gamitin sa sketchup drawing area mo. Ang toolbar ay koleksyon ng mga bagay na kalimitang ginagamit sa pagbuo ng sketch. Sa ating window sa taas ginamit ko ang Getting Started toolbar, ito yung makikita nyo sa baba:
Pwedeng ilagay sa drawing area ang iba pang toolbars dito sa listahan pero sa aking payo mas maganda na itong Getting started toolbar na lang muna ang gamitin natin habang di pa ninyo kabisado ang mga ito. Kung mapapansin nyo naka check din ang Large Buttons dito sa toolbars ko, ang ibig sabihin nun malaking ICONS ang makikita nyo gaya ng nasa taas, pag inalis ang check dun sa Large Button, magiging maliit lahat ng ICONS.
2). Hidden Geometry – ginagamit para ipakita o di ipakita ang mga geometry sa loob ng drawing area.
3). Section Plane – ginagamit para ipakita o di ipakita ang mga section planes sa drawing area.
4). Section Cuts – ginagamit para ipakita o di ipakita ang section cut sa object ng drawing.
5). Axes – ginagamit para ipakita o di ipakita ang X/Y/Z axes sa drawing area.
6). Guides – ginagamit para ipakita o di ipakita ang mga guides sa drawing area.
7). Shadows – ginagamit ito para magbigay ng detalye sa object mo kung gusto mong maglagay ng shadows at araw para mabuo ang 3D design.
8). Fog – ginagamit ito para maglagay ng fog sa drawing.
9). Edge Style – dito pwedeng piliin kung pano gustong makita ang detalye ng drawing mo, kunwari ayaw mong ipakita ang mga linya sa kanto ng object, pwedeng i-uncheck ang mga ito.
Ang ibang kasunod na pagpipilian ay ilalathala ko sa iba at advance na pagtuturo.
Camera Menu
Ang camera menu ay ginagamit para ma kontrol ang viewing experience sa drawing area ng sketchup.
1). Previous – ginagamit ito para ibalik sa nakalipas na view scene.
2). Next – ginagamit ito para ibalik sa naunang view scene.
3). Standard Views – ito ay may nilalaman na Top, Bottom, Fron, Back, Left, Right, Iso, ang mga ito ay ginagamit para sa pag posisyon ng camera sa drawing object, kunwari gusto na makita lang ang Top view, piliin ang Top.
4). Parallel Projection – ginagamit para i-lock ang Z axis ng drawing habang pwedeng igalaw ang X at Y axis nito.
5). Perspective – ito ang default na ginagamit sa skecthup, dito magagalaw ang mga axis ng drawing area.
6). Two-Point Perspective – ila-lock nito ang Z axis pero ibabalik ng program sa perspective view pag ginalaw ang drawing area.
7). Match new Photo – ginagamit para sa isang scene na may background na imahe (JPEG, etc)
8). Orbit – ito ang isang gamit sa toolbar para makita ang kabuuan ng drawing sa pamamagitan ng pag papaikot sa object ng 360 degres.
9). Pan – ito ang isang gamit sa toolbar para makita ang drawing object sa X at Y axis lamang.
10). Zoom, Field of View, Zoom Window, Zoom Extents – ginagamit para palakihin o paliitin ang pag view sa drawing object.
11). Position Camera – ginagamit para maglagay ng camera sa napiling lokasyon upang makita ang drawing object sa gustong posisyon.
12). Walk – ginagamit para makita ang loob ng drawing na kontrolado ang bilis ng camera.
13). Look Around – ginagamit para Makita ang parte ng drawing ng 360 degress na hindi umaalis sa orihinal na posisyon.
Draw Menu
Ang Draw Tool
1). Line – ginagamit para gumuhit ng tuwid na linya.
2). Arc – ginagamit para gumawa ng guhit na naka arko.
3). Freehand – ginagamit para gumuhit ng linya sa kahit anong direksyon.
4). Rectangle – ginagamit para gumuhit ng Parisukat, o Parihaba na object.
5). Circle – ginagamit para gumuhit ng bilog.
6). Polygon – ginagamit para gumuhit ng polygon (limang kanto)
Tools Menu
Ang Tools menu ay koleksyon ng mga gamit para sa pag buo ng drawing, ang mga sumusunod ang detalye ng mga ito.
1) Ang Select, Eraser, Paint Bucket, Move, Rotate, Scale, Push/Pull, Follow-me, Offset, Tape measure ay makikita rin doon sa Getting Started Toolbar kaya doon ko na lang ipapaliwanag ang bawat isa.
2) Dimension – ito ay ginagamit para ilagay ang iksaktong sukat ng iyong ginuguhit.
3) Text – ginagamit ito para kung gustong dagdagan ng text o Sulat ang drawing area.
4) 3D Text – kagaya ng Text ang pagkakaiba lang ito ay may shadows at may apat na sides ang text para maging 3D.
Hindi ko na ipapaliwanag muna ang mga susunod mula sa 3D text kasi para yun sa advance tutorial.
Window Menu
Ito ang Window Menu, dito pwedeng piliin ang mga importanteng gamit sa pagbuo ng drawing. Sundan sa baba ang mga paliwanag sa bawat isa.
1) Model Info - ginagamit ito para makita ang impormasyon isang modelo o object at pwedeng palitan ang mga nilalaman nito sa sariling disenyo. Ito ang itsura ng window pag pinindut ang Model info:
2) Entity Info – makikita dito ang pangalan ng Layer na gamit sa isang object/drawing, pati na rin ang Pangalan ng object/drawing, at pati na rin ang mga detalye ng shadows ay pwedeng palitan dito sa window na ito.
3). Materials – ito ang window ng materials, dito makikita ang ibat ibang uri ng materyales na pwedeng gamitin sa pag likha ng guhit, at automatic din na lalabas ito pag pinindot ang Paint Bucket.
4). Components – dito pwedeng kumuha ng components na pwedeng idagdag sa drawing. Kunwari itong Bench na nakikita sa baba ay pwedeng idagdag sa drawing, kailangan lang piliin ito sa mga listahan. Pwede ring mag download sa google ng mga components.
5) Styles – Sa baba ay ang window ng Styles, dito pwedeng piliin ang style ng drawing area, pag pinili kunwari pula, ang magiging background ng drawing area ay pula.
6) Layers – Dito pwedeng maglagay ng pagsasama sama ng mga ginuhit na object sa pamamagitan ng pag dagdag ng layers. Kunwari maglalagay ng First Floor layer para sa lahat ng drawing sa First floor, o 2nd floor para sa lahat ng drawing sa second floor, tingnan ang window sa baba.
7) Scenes – ginagamit ito para mas lalong pagandahin ang viewing experience sa drawing area. Kada scene ay pwedeng i-set ang lokasyon ng camera at kailangan gumawa ng Una at Huling point ng camera shots para pag nag play sa scene gagalaw ang imahe nito base sa una at huling lokasyon ng viewing point.
8) Shadows – Ito ay ginagamit para mag dagdag ng detalye sa drawing, makapag lalagay ng shadow at araw depende sa na set na oras.
9) Fog – ginagamit ito para mag dagdag ng detalye sa drawing sa pamamagitan nito magkakaroon ng parang hamog sa parte ng drawing.
10) Match Photo – ginagamit ito para kunwari merong picture ng isang lugar na gustong gayahin ang mga buildings sa sketchup drawing, gamitin itong option para maging guide sa pag buo ng drawing.
11) Soften Edges – ginagamit ito para papinuhin ang mga kanto ng object na naka select.
12) Instructor – ang gamit nito ay para may maliit na window na moving picture guide habang pinipindot ang bawat tools sa toolbar, magbibigay din ito ng kaalaman sa bawat tools na ginagamit.
13) Preferences – Ito ang pinakamalaking pinaglalagyan ng mga data ng drawing. Dito makikita at mababago ang oras oras na pag save ng file, ang background ng drawing template kung gusto mo in meters o feet, ang mga shortcuts sa keyboard para di ka na laging pindot ng pindot sa mga icons ng tools, at iba iba pa.